Vote +3

PAALAM AT PATAWAD

GRACE JHOY BELO DELANO

19 Feb, 2010 12:36 AM

ako ay isang masayahing babae na nakatira sa las pinas isang palaban ,palabiro,makulit,laging pinapatawa ang mga nakakasama.Pero ang di nla alam ako ay my tinatagong kalungkutan sa aking puso na ako lang ang nakakaalam ng lahat gusto ko sanang ibahagi ito para kihit papano ay maibsan ang aking konting kalungkutan sa aking buhay.Ang aking ikukwento sa inyo ay ang aking tunay na karanasan bilang isang batang maagang nawalan ng isang ulirang ama at mapagmahal.


Nung akong nasa 4th year high school sa bayan ng Las Piñas at 15 years lod palang tatlo kaming magkakapatid at ako ay pangalawa nkami ay isang larawan ng masayang pamilya na kahit kylan ay hindi pinag-aawayan ang pera pero kming magkakapatid ay nagkakatampuhan lmng at hidi naman nagtatagal syempre sa isang pamilya di mo maiiwas ang ganyang pangyayari lalong lalo na sa mga magkakapatid.

Noong october 2006 nag simula nang mabago ang aking buhay dahil ang aking papa ay nakararamdam ng araw araw na pag sakit ng tiyan at pabalik balik na lagnat di namin inisip na isang malalang sakit ang dadapo sa aking papa na halata naman na isang malusog ngunit di ito pinansin ng papa dahil wala aman daw ito Hanggang sa abutin na ang november 2006 ang nararamdaman nya kaya kasama ang aking mama pinagpasyahan na namin na ipagamot ang papa sa ospital khit konti lang ang aming ipon dahil sa mga negosyo namin .Ang sabi ng doctor ay kaylangan daw syang operahan sa puso dahil may nakabara pero di pumayag ang papa ko dhil di sya naniniwala na sya ay may sakit sa puso.Sa mga nagdaang araw nag patuloy sila sa pag hanap ng lunas sa sakit ng papa ko halos 100 na albularyo na ang pinuntahan ng papa ko para lang mapagaling sya dahil may konti syang tiwala sa mga ganoong tao pero wala paring nangyari.Dec 18 nang gabi na nakita ko ang papa ko na kaawa awa ang kalagayan sa unang pag kakataon .Dahil sa kakulangan ng pera dahil lahat ay naubos na sa pagpapagamot ay nakita ko ang aking papa na nakahiga sa isang folding bed sa first floor ng aming bahay na naka deckstrouse at hinang hina ang katawan di ko maintindihan at maisip kung bakit nagkaroon ng sakit ang papa ko na ganung kalala na magpapabagsak sa kanyang katawan.Dec 20 ng umaga ay pumanta ang mama at papa ko sa hospital ng perpetual at doon ay di na sya pinauwi ng doctor .


Dec 21 christmas party ng school habang ako ay nag aantay para makapasok sa room ay biglang nakita ko ang tita ko at ang bunso kung kapatid na tumatakbo papunta sa akin at sinabi nila n akylangan naming pumunta sa ospital dahil malala na talaga ang kalagayan ang aking papa.

Nang kami ay nasa ospital na naroon ang aming ilang kamag anak kumpleto lahat ang mga kapatid ni papa at kamiy nag iiyakan na dhil pinagtapat ng doctor ang hindi na mgatatagal ang aking papa dahil sa isang malalang sakit ang" LIVER CANCER"at stage 4 na .

Umabot na ang gabi ng nag siuwian na ang aming ibang kamag anak natira nlng kaming buong pamilya at ang kanyang kapatid na panganay.Di na makausap ng matino si papa di na nya alam ang kanyang sinasabi at ginaga dahil sa mga gamot na itinutukor sa kanya ng mga doctor .Dec 22 Mdaling araw na ay gising padin ang papa ko di na sya makatulog dhil kada isang minuto ay gusto nya tumayo,umupo ,at kung anu ano pa para bang nagpapahiwatig na di na sya tatagal sa mundong ito.
DUMATING ANG DOCTOR at sinabi na kaylangang dalhin ang papa ko sa ICU o sa intensive care unit kung saan ang mga ipinapasok doon ay kritikal na talaga ang kundisyon.Nang papunta na kmi ng ICU ayaw magpaiwan ang papa sa tabi nya dhil ayaw nyang mag isa pero kahit gustuhin man namin na bantayan sya ay di pupwede dahil bawal ang mas yadong madaming bantay at patayo tayo sya at nabubuhol sa kamay nya ang mga pinapasukan ng gamot. kaya iniwan na namin sya ta kami ay nagbantay s labas ng kwarto. at Dec 22 ng hapon dumating na ang kinakatakutan naming lahat ang pag sabi ng doktor na ang bumubuhay nlang sa papa ko ay ang mga aparato na nakakabit sa kanyang katawan at hirap na sya kaya binigyan ng waver ang mama at kuya ko upung sumang ayon na alisin na ang mga aparato na tumutulong sa sa paghinga ng walang ng kamalay malay na katawan ng aking papa.napag isip sip ng mama at kuya ko na di na talaga kyang ibalik pa sa dati ang papa ko at hirap na talaga ang katawan nya at ayaw din namin na mahirapan pa sya kaya nagpasya na ang mama at kuya ko na pirmahan ang papel at mga ilang oras ay tinanggal na ang mga aparato at eksaktong 3:00 pm tumigil ang pag tibok ng puso ng papa ko.nakalungkot isipin na mawawala ang papa ko sa kanyang batang eded na 44 at kamiy napaka bata pa para mawalang ng isang magulang na nagtatanggol sayo at lalong lalo na sa araw ng pasko dec.25 ay kasama namin ang papa ko pero sa malungkot at masakit na paraan dahil araw ng pasko ay nakaburol sya sa aming bahay.habang ang ibang pamilya sa mga oras na yun ay magkayakap at masayang kunakain ng samama sa araw ng pasko.

nanghihinayang ako sa mga oras at araw na sinayang ko na sanay kasama ko sya!!!!!

Kaya kayo meron pa kayong oras para ipadama sa mga magulang nyo kung gano nyo sila kamahal dahil sa mundong ito saglit lang ang buhay.


Ngayon patuloy parin ang buhay sa kabila ng malungkot na pangyayari sa aming buhay ako ngaun ay nag aaral sa college at pinagtutuunan ko nlang ng pansin at pagmamhal ang aking mga kayamanan "ang aking pamilya lalong lalo na ang aking mama.



Sana ay nagustuhan ninyo ang aking mumunting kwento sa kahit papaano ay kumurot sa inyong mga puso lagi nyong tatandaan"GOD DIDNT GAVE A PROBLEM IF HE KNOWS THAT WE CANNOT SOLVE IT"





GRACE JOY BELO DELANO@_@

Vote +3
Next Story >>

Comments

Post a Comment
profile pic
squidward says:
24 Feb, 2010 11:55 PM

nakaka inspire ang kwento mo sis..
tama ka
life goes on lang
walang pagsubok na ibinigay si god na hindi natin kaya..
bsta patuloy parin tayo sa buhay..
God bless you

profile pic
Leahhh says:
19 Oct, 2011 09:45 AM

Wtf.??!!

Your Comment

Do not post other site's link, it will be considered as spam